Linggo, Enero 25, 2015

Lord, patawad?

“Lord, patawad”? (Tract)

Sa tingin mo ba ay kagalang-galang sa Diyos ang kantang ito? Sa tingin mo ba ay kaya mong kantahin ito para humingi ng tawad sa boss mo sa trabaho? O sa presidente? O sa iyong guro sa iskwelahan?
Kung gayon bakit mo ito inaawit, taus-puso ka ba sa mga sinasabi mo?

Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.  Galatia 6:7
Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. Exodo 20:7
Hindi katawa-tawa ang kasalanan.. Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Roma 6:23) at  si ..Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan,.. (1Corinto 15:3)

Ang sabi ni Hesus:

Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.
- Alamin kung ano ang kalooban ng Diyos sa Biblia

Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, “Lord, Lord,...” At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng masama. Mateo 7:22-23

Ito ba ang sasabihin sa iyo ni Hesus kapag nagkita kayo?

Patatawarin ka ba ng Diyos?

Mangagingat kayo sa inyong sarili: kung magkasala ang iyong kapatid, sawayin mo siya; at kung siya'y magsisi, patawarin mo siya. At kung siya'y makapitong magkasala sa isang araw laban sa iyo, at makapitong magbalik sa iyo na sasabihin, Pinagsisisihan ko; patawarin mo siya. Lucas 17:3-4
Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan. Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan. Mateo 6:14-15

Gawa 3:19  Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon;

Magsisisi ka ba at tatawag kay Lord?

...Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, Lumayo sa kalikuan ang bawa't isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon. 2 Timoteo 2:19

Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka. Roma 10:9

"Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad, at sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo." Awit 86:5