Linggo, Disyembre 11, 2016

Ang Tunay na Diwa ng Pasko

Nais kong isalaysay sa iyo ang tunay na diwa ng Pasko bilang kapanganakan ni Hesus.

Una sa lahat, Sino nga ba si Hesus?

Sa pamamagitan Niya nalalang ang lahat ng bagay:

Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya. (Colosas 1:16 MBB)

Si Hesus ay bugtong na Anak ng Diyos:

(Mateo 16:16 MBB) Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy.”

Gaya ng nakasulat sa propesiya, natupad nga na ang Cristo ay ipapanganak sa Betlehem:

Tumugon sila, “Sa Bethlehem po, sapagkat ganito ang isinulat ng propeta:
‘At Ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda, ay hindi pinakahamak sa mga pangunahing bayan ng Juda. Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno na mamamahala sa aking bayang Israel.’” (Mateo 2:5-6 MBB)

Mula sa Kataasan Niya sa Langit, ito rin ay Siyang sanggol na ipinanganak sa sabsaban:

At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan. (Lucas 2:7) 

Si Hesus ay Diyos na nagkatawang tao, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu santo. Ipinanganak siya ng birheng si Maria mga higit 2000 taon na ang nakakaraan.

Paano ito nangyari?

“Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos. Hindi ba't ang kamag-anak mong si Elizabeth ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na, 37 sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” (Lucas 1:34-37 MBB)

(JUAN 3:16)Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Si Hesus ay namuhay ayon sa kalooban ng Diyos Ama. Tinukso siya gaya natin pero hindi pa rin Siya nagkasala:

Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan. (Hebreo 4:15)

Bakit ipinanganak si Hesus?

At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan. (Mateo 1:21)

Paano mo makakamtan ito?

(Marcos 1:15)  [Sabi ni Hesus], Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio. 

Dapat na maging pinakamahalagang relasyon sa iyo ay ang relasyon mo sa Diyos higit sa kaninomang tao o bagay. At kailangan mong magkaroon ng matinding kalungkutan sa mga kasalanan mo sa Diyos.

Lahat tayo ay nagkasala sa harapan ng Diyos. Ito ang listahan ng ilan sa mga gawang salungat sa Diyos:

O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake. 
Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios. (1Corinto 6:9-10)

Nawa'y matarok mo ang kaseryosohan ng bagay na ito na huhukuman tayo ng Diyos ayon sa ating gawa, masama man o mabuti.

Kailangan mong pagsisihan ang pagiging makasalanan mo yamang iyong alam na isinugo ng Diyos ang kanyang Anak upang ipako sa krus upang iligtas tayo sa kapahamakan. Kaya manampalataya ka kay Hesus. Kung sino Siya at ano ang kaya niyang gawin para sa iyo.

Si Hesus ay ipinanganak upang iligtas tayo sa kasalanan. Hindi lang sa kaparusahan, kundi sa kasalanan mismo.

Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito. (Hebreo 12:14 MBB)

Hindi naman ito ibig sabihin na perpekto ka agad. Ngunit kalakip ng tunay na pananalig kay Hesus ang paglilinis ng Diyos at pagbabago Niya sa iyong puso upang mamuhay ayon sa kanyang kalooban:

(Ezekiel 36:25-27 MBB)
Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo'y luminis. Aalisin ko rin ang naging mantsa ninyo dahil sa inyong mga diyus-diyosan. Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin.  Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.

(Hebreo 10:16-17) Ito ang tipang gagawin ko sa kanila Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso, At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip; 
At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.

Ito ang kahulugan ng kapanganakan ni Cristo, Ito ang tunay na diwa ng Pasko. Naway maging makabuluhan ang iyong Pasko na si Hesus ang Panginoon mo.

-------------------------------------------------------------
FreeChristianResource.weebly.com