Huwebes, Oktubre 27, 2016

Ano nga ba ang BORN AGAIN?


Marami ang may-akala na ang born again ay isang relihiyon kung saan may sayawan, kantahan at maingay na drum set, ngunit hindi ito ang tunay kahulugan ng pagiging “born-again”.

Ang pagiging born-again ay ang dapat mangyare sa isang tao upang makakita at makapasok sa kaharian ng Diyos. Ito ang sabi ni Hesus kay Nicodemo (isang relihiyosong tao):
Maiging tunghayan sa Biblia:
(John 3:3-4) :  Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli (sa Ingles, be born again) , ay hindi niya makikita ang kaharian ng Dios. Sinabi sa Kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?

Lahat tayo ay ipinanganak sa laman, galing sa nanay at tatay natin. Ang ibig sabihin hi Hesus sa maborn-again ay maipanganak tayo sa espiritu, sapagkat lahat tayo ay nangamatay ang espiritu dahil sa pagkakasala(Roma 6:23).

(Juan 3:5-6): Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.  Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.

Kaya nga kahit anak ka man ng pastor o isang pari, hindi ito nangangahulugang ikaw ay born-again.

Paano ka maboborn-again?

Una sa lahat, ang pagiging born-again ay gawa ng Espiritu Santo. Tulad ng isang sangol na hindi kayang mabuo sa ganang kanyang sarili, gayun din naman ang pagiging born-again.

Juan 3:8  Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, nguni't hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang bawa't ipinanganak ng Espiritu.

Kalooban ng Diyos na ikaw ay maboborn-again:
Juan 1:12-1
Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya(Jesus) ay nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, ….Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios.

Maniwala kay Jesus at pagsisihan ang iyong mga kasalanan:

1 Corinto 6:9-10 (TLAB)
9 O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake.
10 Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw(mapagmura), ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.

Paano ko malalaman kung ako ay born again?

Natatanging pagmamahal:
1 Juan 4:7  Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios.

Pananampalataya sa Panginoong Jesus:
1 Juan 5:1  Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.

Gumagawa ng katuwiran:
1 Juan 2:29  Kung nalalaman ninyong siya'y matuwid, nalalaman naman ninyo na ang bawa't gumagawa ng katuwiran ay ipinanganak Niya.

Ito ang bunga na makikita sa isang taong born-again:
Galatia 5:22-23
Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

Meron ka ba ng mga ito?

2 Corinto 5:17  Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.


____________________________________
FreeChristianResource.weebly.com

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento